Barangay Chairman Patay Ng Pagbabarilin Sa Loob Ng Tindahan

0
740

Davao City – Patay ang isang Barangay Chairman nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek samantalang natutulog sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay Datu Salumay, Marilog District dito sa lungsod ng Dabaw.

Kinilala ang biktima na si Barangay Chairman Amado Mansamo Mansabid, 55- taong gulang ng Barangay Datu Salumay. Nangyari ang pamamaslang sa biktima sabado ng gabi kung saan pinaghihinalaang personal grudge at land conflict ang naging sanhi ng pagpatay sa kaniya.

Base sa imbestigasyon ng Marilog Police Station, napag-alaman na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang tindahan ngunit bigla na lamang pumasok ang mga suspek at pinagbabaril ito.

Ayon kay Police Captain Philip Dave Uddin, OIC Station Commander ng Marilog PNP, isang lalaki na nakatalukbong sa mukma ang  naghahanap kay Kapitan Mansabid kung saan tinuro naman umano ito ng kasama niya sa tindahan at doon pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa kaniyang agarang kamatayan.

Sinasabing posibleng land conflict din ang motibo sa pagpaslang kay Kapitan Mansabid  dahil humahawak din ito ng mga kaso na may kinalaman sa lupa lalo na isa din siya sa Council of Elders ng tribong Matigsalog.

Tatlong person of interest ang sinusubaybayan na ngayon ng mga pulis. Isinasailalim na din sa ballistic examination ang apat na basyo sa .45 kalibre na armas na narekober sa crime scene.

Hustiya din ang sinisigaw ngayon ng pamilya ng biktima at mga taga suporta nito at patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng mga nakatakas na kriminal.

(Source: Marilog Police Station)

Leave a Reply