Bangs Garcia, 4 na buwan nang buntis sa ikalawang anak

Bangs Garcia, 4 na buwan nang buntis sa ikalawang anak

by Powered by DWIZ
49 views

Sabik na ang sexy actress na si Bangs Garcia para sa pagdating ng kaniyang ikalawang supling na ngayo’y nasa ika-apat na buwan na.

Ito’y makaraang i-anunsyo ng 32 anyos na aktres sa kaniyang instagram account ang kaniyang ikalawang pagbubuntis sa non showbiz na mister.

Inilakip ni Bangs ang anunsyo sa kaniyang photo post kasama ang asawang si Lloydi Birchmore at panganay nilang si Amelia.

Makikita rin sa larawan ni Bangs ang bitbit ng kanilang panganay na ultrasound photo ng magiging kapatid nito.

Para kay Bangs, masaya sila sa pagpasok ng taon dahil sa lumalaki nilang pamilya na maituturing niyang walang kaparis na pagmamahal.

0 comment

Related Posts