30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bahagyang paghupa ng tensyon sa US, Iran magandang panahon para pauwiin ang mga OFW — Bello

- Advertisement -

Hindi na dapat pang intayin ng pamahalaan na lumala ang sitwasyon sa gitnang silangan.

Ito ang binigyang diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa gitna nang napapatuloy na mandatory repatriation o puwersahang pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa Middle East kahit nagbabang puwersa na ang Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Bello, ito ang pinakamagandang panahon para pauwiin ang mga Pilipino dahil bahagyang humupa ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Bello na hindi na dapat pang hintayin ng pamahalaan na tumindi ang tensiyon sa Middle East dahil lalo lamang mahihirapan ang mga Pilipino na maka-uwi sa bansa.

Kaugnay nito, aminado naman si Bello na isa sa kanilang problema sa ngayon ay kung paano mahahanapan ng negosyo o trabaho ang mga pauuwiing Pilipino sa bansa.

Huwag na natin hintayin na sasabog pa, inini-repatriate sila so, now is the time to Sec. Cimatu to implement this repatriation in fact on going na kasi mahirap naman kung we will start repatriating them kung ‘pagkasumabog muli and hindi naman far fetch yan, wag na nating hintayin yung eventually na it will be very difficult to repatriate them. Ang problema dyan yung what will we do with them, ngayon that’s where my responsibility will start,” ani Bello. — panayam mula Sapol Ni Jarius Bondoc.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -