Radio Philippines Network
Headlines National News

Bagyong ‘Tisoy’ patuloy na humihina at isa nalang ganap na tropical storm

Patuloy na humihina ang bagyong ‘Tisoy’ at isa na lamang itong tropical storm.

Ito ay dahil sa bugso ng northeast monsoon o amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometro kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-kanlurtan sa bilis na sampung kilometro kada oras.

Sa ngayon ay wala nang direktang epekto ang bagyong ‘Tisoy’ sa bansa.

Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine area of responsibility ngayong umaga.

Related posts

PSG inayos ang helicopter protocols para sa pagbyahe ni Duterte

Powered by DWIZ

Mga bakanteng lote gawing parking area — San Juan city gov’t

Powered by DWIZ

Bagyong Falcon napanatili ang lakas – PAGASA

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More