31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Bagyong Tisoy hindi maikukumpara sa super typhoon Yolanda — NDRRMC

- Advertisement -

Hindi maihahalintulad ang bagyong Tisoy sa super typhoon Yolanda na kumitil sa mahigit 6,000 katao noong 2013.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) Council Spokesperson Mark Timbal, maikukumpara ang bagyong Tisoy sa bagyong Glenda at Reming sa usapin na rin ng tinahak nitong track.

Dagdag pa ni Timbal, hindi umabot sa kategorya ng Yolanda ang lakas ng bagyong Tisoy at maging ang dami ng ulang ibinuhos nito ay hindi rin maihahalintulad sa Ondoy.

Gayunman, patuloy pa ring pinapaalalahanan ng NDRRMC ang publiko na manatiling naka-alerto at mapagbantay sa posibilidad ng storm surge, pagbaha at pagguho ng lupa na maidudulot ng bagyong Tisoy.

Sa ngayon, wala pang naitatalang casualty dahil sa bagyong Tisoy ang NDRRMC.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -