Baguio: Sunog naganap sa San Carlos Heights Irisan Baguio City

0
7

(Baguio City) – Tumugon ang pamatay sunog ng Baguio Fire Department sa isang insidente ng sunog sa isang bahay sa number 25, San Carlos Heights umaga ng Septembre 19, 2024.

 

Napag alaman ng RPN News na ang bahay na nasunog ay pag-aari ng dating hukom na si James Cabiten. Tumulong sa pag-apula ng sunog ang Baguio City Police Office, BENECO, BAWADI at mga  water delivery trucks at  fire volunteers.

 

Inaalam ng autoridad kung ano ang sanhi ng sunog at magkano ang naging pinsala nito. At sa kabila nito, ang Bumbero ng Baguio Fire Station ay sumagip ng nahulog na tuta sa isang kanal sa  Molave Drive, Asin Road, lungsod ng Baguio. 

 

Isang nagdadaan sa naturang lugar ang nag ulat sa Baguio City Fire Station. Agad tumugon ang Baguio City Fire Station sa naturang insidente. Nasagip nila Senior Fire Officer 1 Quiaan, Fire Officer 1 Gambulao at Fire Officer 1 Ananayo. Samantala, nanawagan si  BCFS Fire Marshal FSupt Marisol Hernandez Odiver sa publiko na tumawag lamang sa kanila sa oras ng kagipitan. 

 

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

Leave a Reply