Baguio: Pulis Kalinga nakasira ng ng 1.8 milyong pisong halaga ng tanim na Marijuana sa Tinglayan

0
7
photo courtesy of PRO-COR

Kalinga Province – Ang mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office ay nakatagpo ng mga taniman ng marijuana sa probinsiya na nagkakahalaga ng P1.8 milyong piso sa Tinglayan, Kalinga, noong nakaraang linggo.

Ang dalawang araw ng operasyon sa pagsugpo ng Marijuana ay nagresulta sa pagkakadiskobre ng 9,000 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php1,800,000.00 nakatanim sa 600-metro kuwadrang taniman sa Brgy. Tulgao East, Tinglayan, Kalinga.

Ang mga ito ay isinadokumento muna bago sinunog sa mismong lugar matapos bunutin at ang ilan sa mga ito ay dinala sa Kalinga Provincial Forensic Unit para masuri. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply