Baguio: Pulis Benguet matagumpay na nagsagawa ng magkakasunod na pagsugpo ng marijuana sa Tacadang, Kibungan

0
4
photo courtesy of PNP Cordillera

Kibungan, Benguet – Nakasamsam ang mga pulis Benguet ng may kabuang Php126,000.00 na halaga ng binhi ng Marijuana sa Tacadang, Kibungan Benguet Hunio 7, 2024.

Ayon sa ulat natanggap ni PRO-CAR Regional Director, PBGen David K. Peredo, Jr, ang magkasanib na pangkat ng mga maykapangyarihan kabilang dito ang PDEA-CAR ay nagsagawa ng operasyon sa pagsugpo ng Marijuana na nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang marijuana plantation sites sa Sitio Bana, Brgy. Tacadang, Kibungan. Sa unang lugar, ang mga operatiba ay nakatagpo ng humigit kumulang sa 2,400 piraso ng binhi ng Marijuana na nagkakahalaga ng Php96,000.00, habang may humigit kumulang sa 750 piraso ng binhi ng Marijuana na nagkakahalaga ng Php30,000.00 ang nadiskubre sa ikalawang lugar.

Samantala, nagsasagawa ng follow up operation ang mga operatiba upang matunton pa ang iba pang marijuana plantation sites at ang mga manananim nito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PNP Benguet)

Leave a Reply