Baguio: PRO Cordillera nakadiskubre ng halagang Php256,000.00 na marijuana plants sa Probinsya ng Benguet

0
6

Ayon sa ulat na dinala kay PRO Cordillera Regional Director, PBGEN DAVID K. PEREDO, JR, ang magkasanib na mga operatiba ng anti-illegal drugs ng 2nd Benguet Police Provincial Mobile Force Company, Kibungan Municipal Police Station, at Benguet Provincial Drug Enforcement Unit, ang nagbunot at nagsunog ng may kabuang 1,280 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php256,000.00 na diskubre sa dalawang plantasyon ng Marijuana sa Sitio Naptong, Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.

Sa unang Site, ang naturang pangkat ay nakabunot ng hindi humigit kumulang sa 800 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php160,000.00 nakatanim sa 100 square meters na lupain habang sa ikalawang site, humigit kumulang sa 480 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php96,000.00 nakatanim sa tinatayang 80 square metro na lupain ang sinira din ng naturang pangkat.

Matapos ang kaukulang dokumentasyon, ang lahat na nadiskubreng tanim na Marijuana na binunot at sinunog sa naturang lugar habang ang imbestigasyon ay patuloy pa rin upang makilala ang mga manananim ng ilegal na halaman.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Benguet PPO)

Leave a Reply