Baguio: Pagpapasa ayos ng dalawang Farm to Market Road sa Kapangan, Benguet sinimulan na

0
10

Kapangan, Benguet – Inaasahan ng lokal na gobierno ng Kapangan, Benguet na malaking tulong ang pagkakaroon ng pag unlad sa sektor ng turismo, agrikultura, edukasyon, pangkabuhayan at transportasyon sa sandaling matapos ang dalawang farm to market road projects na magdurugtong sa Kapangan, Benguet at ng probinsiya ng La union.

Ayon kay Kapangan Municipal Mayor Manny Fermin, Sa kasalukuyan ginagawa na pagsasa ayos at ang pagbubukas ng Sagubo-Gadang, Kapangan hangang San Gabriel, La Union na Farm to Market Road at ang Sagubo-Ampongot, Bagulin La Union Farm to Market Road.

Ang mga nasabing farm to market roads ay naponduhan ng 350 milyon piso. Nagpasalamat naman si Mayor Fermin dahil sa pinaburan ang kahilingan ng mga mamamayan doon na pagduktungin ang dalawang probinsiya sa pamamagitan ng nasabing pundo upang maging possible ang pagbubukas ng nasabing mga farm to market roads.

Nasabi ng naturang opisyal na ang pagbubukas ng mga farm to market roads ay lalong magbibigay inspirasyon upang sumipag ang mga magsasaka upang magtanim ng mga gulay. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kapangan)

Leave a Reply