Baguio: Pagpapaganda sa langsangan ng Mankayan, Benguet ginawa ng LGU Mankayan

0
12

Mankayan, Benguet – Ipinakita ng lokal a gobierno ng Mankayan ang kanilang entry sa Roadside Beautification Program ng gobierno probinsial ng Benguet.

Ang entry site ay makikita sa bahagi ng Guinaoang-Bulalacao road. Nagsagawa ng roadside beautification sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng naturang lokal government unit, Barangay, ng PNP at ng iba pang volunteers.

Nagsagawa na rin ng assessment at validation ng entry ang Mankayan noong isang araw sa pamamagitan ng assessment team ng iba’t ibang opisina ng gobierno probinsial ng Benguet.

Ang Mankayan kasama ang iba pang munisipyo ay sumosuporta sa nasabing programa na nais na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng gobierno, non-government organization, pribadong sector at ng mga residente na may sakop na munisipio nito. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Benguet)

Leave a Reply