Baguio: Mayor Magalong sinusuportahan ang pagbabawal ng pagbebenta ng vape online

0
10
photo courtesy of Baguio PIO

Baguio City – Sinusuportahan ni Mayor Benjamin Magalong ang hakbang ng Department of Trade and Industry (DTI) na ihinto na ang pagbebenta ng vape products.

Sinabi ni Magalong na kanyang sinusuportahan ang desisyon ng DTI na ipagbawal o iban ang pagbebenta ng vapes sa online bilang bahagi ng pangako upang mapangalagaan ang ating anak mula mapinsala at nakakahumaling na epekto ng vapes at ng ibang produktong tobako.

Anya isa ito sa mahalagang hakbang upang pigilan ang mga produktong ito na mapasakamay ng mga kabataan at pagtulong na rin ito upang pangalagaan ang kanilang kalusugan, kagalingan at ang kinabukasan ng mga ito.

Nagpasalamat ang alkalde sa DTI sa kanilang hakbang naka angkala sa pangangalaga ng mga kabataan at unahin ang pangkalusugang pampubliko. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply