Baguio: La Trinidad, Benguet nagdiwang ng Elderly Filipino Week

0
19

La Trinidad, Benguet – Ang Munisipyo ng La Trinidad ay nagdiririwang ng Elderly Filipino week o linggo ng mga matatanda na may tema na pagkilala ng mga pamana ng mga Filipino Senior Citizen.

Nagsimula ang Pagdiririwang ng Elderly week noong nakaraang buwan ng Septiyembre sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development sa pagbibigay ng pagmamasahe para sa mga nakakatanda.

Sinundan ito ng papalawak ng impormasyon sa pamamagitan ng Programang Senior Power na inahawakan ni Ginoong Armando Fongwan Bagtang Sr., na isang block timer sa himpilan ng RPN DZBS tuwing Araw ng Linggo. Noong unang linggo ng Oktubre, nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office ng Simba, Zumba, Sigla at Saya na isang pang umagang ehersiso sa Municipal Park at the Senior Citizen multi-purpose building.

Kamakailang lamang, nagsagawa ang Commission on Human Rights at ang Municipal legal office ng pagtuturo sa  kahalagahan ng Kalusugan, ang kahalagahanng tungo sa kalusugang pangkaisipan at ang karapatang ng mga matatandang tao. Nagkaroon din ng pagtatanim ng mga punong kahoy sa Puguis Communal Forest noong umaga ng Oktubre a 12 ng taong kasalukuyan.

Maliban dyan, nagkaroon din ng Art Exhibit at Art class sa Senior Citizens Multi-purpose hall itong linggo ito. Samantala, gagawin ang Scofad sa unang linggo ng Nobyembre sa opisina ng Mayor at sa Sangguniang Bayan ng La Trinidad at sa iba pang ahensiya ng lokal na gobierno sa naturang munisipyo.

Magkakaroon din ng Food and Livelihood Skills Seminar para pa rin sa mga nakakatanda upang bigyan sila ng kakayahan sa paghahanap buhay at magaganap ito sa Municipal Gymnasium mula Nobyembre a 6, 7, 8, 9 at a 10 ng taong ito.

Magtatapos ang pagdiririwang ng Elderly week celebration sa pamamagitan ng isang programa sa municipal gymnasium mula alas 8 ng umaga hangang alas 5 ng hapon sa Nobyembre a 10 ng taong ito.

At karagdagan pa, isasagawa ang capability /enhancement Senior para sa mga Senior Citizens sa iba’t ibang programa at patungkol sa batas at mga alituntunin. 

Ang lahat ng mga ito ay gagawin sa Nobyembre a 15, a 23 hangang 24 ng taong ito. Hindi sinabi ng kalatas kung saan gagawin ito ngunit nakatiyak ako na ito ay gagawin sa munisipyo ng La Trinidad. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply