Baguio: Isa patay sa Sabangan, Mt. Province sa kanilang pagpunta sa bundok para mangaso

0
18

Sabangan, Mt. Province – Namatay ang isang Mangangaso sa Sabangan, Mountain Province matapos na aksidente na mabaril ng kapwa niya Mangangaso.

Base sa ulat ng Sabangan Municipal Police Station, Mountain Province, nangyari ang insidente ng pamamaril noong gabi ng Lunes, Abril a 17 ng taong kasalukuyan sa bundok ng Nalikew, Napua, Sabangan, Mountain Province.

Naiulat ang insidente sa pulisya noong alas 5:00 ng hapon ng sumunod na araw o Martes Abril 18, 2023.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay nakilala bilang si Rizaldy Langdeo, 33 na taong gulang, may asawa at isang magsasaka at tubo ng tue, Tadian, Mountain Province at residente ito ng Sitio Tamog-o, Monamon Norte, Bauko, Mountain Province.

Samantala ang kapwa niyang mangangaso ay naniniwalang aksidente ang pagkakabaril sa biktima at ito ay kinilala bilang si Apolonio Afengwan Chaclag, 47 anyos, may asawa, isang magsasaka at tubo ng Alonogan, Natonin, Mountain Province at naninirahan din sa Sitio Tamog-o, Monamon Norte, Bauko, Mountain Province.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, isang grupo ng mangangaso o hunters na pinakabibilangan ng biktima at ng suspek ang nagtungo sa bundok ng Nalikew, Napua, Sabangan upang mangaso.

Samantala, hinahabol nila ang isang usa, Si Chaclag ang may hawak ng homemade shot gun ay aksidente nabaril nito si Langdeo naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.   Nangyari ang insidente ng alas Onse ng gabi noong lunes Abril a 17, 2023.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Luis Hora Memorial Regional Hospital upang matanggal ang bala na tumama sa ulo ng biktima bago iuwi sa bahay nito sa Sitio Tamog-o, Brgy Monamon Norte, Bauko, Mountain Province.

Agad namang sumuko ang suspek na si Chaclag sa mga tauhan ng Sabangan Police pati na rin ang Homemade Shotgun Gauge 12. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Sabangan, Mt. Province)

Leave a Reply