Baguio: Demolisyon ng mga istruktura sa Kennon Road, apektado ng kakulangan sa pondo

0
10

Baguio City – Napag-alaman ang pagsasagawa ng demolisyon ng mga ilegal na istruktura sa Kennon Road dahil umano sa kakulangan ng pondo.

Ito ang ipinahayag ni Baguio City District Engineering Office ng Department of the Department of Public Work and Highways (BCDEO-DPWH) sa mga miyembro ng konseho ng lungsod ng Baguio matapos na ipahayag ni Councilor Fred Bagbagen ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na pagdami ng mga illegal na istruktura sa nasabing kalsada na sakop ng Baguio.

Ipinaliwanag ni BCDEO-DPWH District Engineer Rene Zarate na ang demolisyon ng mga ilegal nga istruktura sa mga major thoroughfares ng siudad ng Baguio ay bahagi ng pondo ng “major routine maintenance” ng ahensiya noong nakaraang taon at hindi maaring gamitin bilang pondo.

Magkaganon man, sinabi ni Zarate na ipapatupad ng kanilang opisina ang mahipit na imbentaryo ng lahat ng mga illegal na istruktura sa Baguio side upang maipograma ang mga “demolition operations” sa loob ng isang taon kabilang dito ang tinatawag na major routine maintenance fund.

Sa kasalukuyang, may 57 na illegal nga istruktura ang nasa imbentaryo niya at naghahanda na sila sa demolisyon.

Inamin din niya na kailangan ang sapat na panahon upang maihanda nila ang mga kailangang pondo para maisagawa ang mga ito lalo na sa mga illegal na struktura na matatawag na permanent structures na base na kanilang imbentaryo.

Sinabi rin niya na humingi na sila ng tulong sa City Buildings and Architecture Office (CBAO) para maisagawa ang demolition orders sa mga kalsada na kinabibilangan ng Kennon Road.

Samantala, nakipagpulong na ang mga tauhan ng BCDEO-DPWH, CBAO, ganon din ng mga opisyal ng mga barangays sa Camp 7 at Camp 8 upang makagawa sila ng konkretong solusyon kaugnay sa isyu ng Squating sa Kennon Road. (Joel Cervantes, photo courtesy by Maria Florence file)

Leave a Reply