Baguio: Dating tauhan ng Philippine Information Agency nanalo sa pagka-Board of Director ng Benguet Electric Cooperative

0
5
photo courtesy of BENECO

Baguio City – Ang dating tauhan ng Philippine Information Agency na si Joseph Zambrano ay siya na ang kinatawan ng District 3 sa BENECO Board sa isang close fight na may 251 na boto laban sa 172 boto ng nagretirong BENECO department manager na si Alejandro Delos Santos.

Ang labanan sa upuan ng District 3 ay nagpabilis ng tibok ng puso ng mga nanonood ng bilangan habang ang ulat sa mga presinto ay unti unting dumarating mula sa Pines City National High School.

Kasama na ni Zambrano ang mga walang kalaban na mga kandidato mula sa ibang distrito tulad ni Alex Bomogao ng District 1, at Roseller Ascano ng District 4 ng lungsod ng Baguio at ng District 9 ng Benguet na si Atty. George Dumawing, Jr. na kumakatawan sa munisipyo ng Sablan at Tuba. (Joel Cervante & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply