Baguio City Police Personnels help on the situation to traffic

0
103

Ang Baguio City Police Office lalong lalo na ang Traffic unit nito ay naghahanda ng mga hakbang upang tugunan ang pagsikip ng trapiko sa panahon ng pagdasa ng mga bisita ngayong kapaskuhan.

Tiniyak ni Mayor Benjamin Magalong na ang mga expert sa trapiko kabilang dito ang Baguio City Police Office Traffic Enforcement Unit at ang City Engineering Office Traffic and Transportation Management Division ang siyang patuloy na mangingibabaw sa sitwasyon sa pagsasagawa ng mga hakbang at sa pagsasaayos nito upang tugunan ang problem sa trapiko. Ang dalawang opisina ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa pampublikong transport groups mula sa Baguio at Benguet upang kunin nila ang mga pangako na patuloy sa pagbabyahe lalo na gabi at hindi mabalam ang mga mananakay.

Samantala, sinabi ng pinuno ng Baguio City Police Office (BCPO) Traffic Enforcement Police Lt. Col. Zacarias Dausen na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan kay Ginoong  Wilson Bumay-et Jr., ang pangulo ng Baguio-Benguet Jeepney Federation patungkol sa bagay na pangtransportasyon at nagbigay din ito ng katiyakan na patuloy silang magbibigay ng serbisyo lalo na ngayong maraming darating na mga turista.

Sinabi ni Dausen na ang traffic division ng  Baguio City Police Office ay naghahanda na sa pagsusubaybay ng trapiko at ang pagsasagawa ng kinakailangang adjustments sa mga lugar kung saan ang problema sa trapiko lalong-lalo na sa central business district at iba pang mga lugar na kung saan ang mga tourist spots ay matatagpuan.  Anya may mga  rerouting schemes ang isasagawa para sa mga intersections at bottlenecks sa mga kritikal na mga  lugar at ito ay gagawin kung kinakailangan.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by Baguio City Police Station)

Leave a Reply