Baguio: CEPMO-WHWMD nagsagawa ng wastewater collection system maintenance

0
6

Baguio City – Ang mga tauhan mula sa City Environment and Park Management Office-Wastewater and Hazardous Waste Management Division (CEPMO-WHWMD) ay nagsagawa ng preventive maintenance operations sa loob ng lungsod ng Baguio upang pangalagaan, patakbuhin at pag igihin ang sistema ng koleksyon ng maayos, mahusay, matipid kung maari ang mga imburnal, kanal at ang kahintulad nito.

Ayon sa pinuno ng CEPMO Wastewater and Hazardous Waste Management Division na si Engr. Wilbur Suanding, ang preventive maintenance ay isinagawa upang tignan ang  problema sa imburnal o mga reklamong kaugnay dito tulad ng pagtanggal ng nakabarang taba, mantika, grasa, mga solid waste at ang mga iba sa pamamagitan ng sewer maintenance crew.

Ang sewer maintenance team ay nagsagawa ng pag alis ng bara sa septic tank at ang palagiang paglilinis nito upang maiwasan ang pagbulwak ng dumi at maging kaigaigaya sa kapaligiran. 

Ang paglinis ng linya ay naisagawa gamit ang iba’t ibang kagamitan at paraan tulad ng pagbuhos ng tubig at ang pag alis ng bara sa pamamagitan ng pagtusok nito.  (Joel Cervante | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

Leave a Reply