Baguio: Benguet Electric Cooperative at its 51st Anniversary

0
5
photo courtesy of BENECO

Baguio City – Kumpiyansa si Beneco General Manager Melchor Licoben na mabibigyan pa ng prangkisa ang Benguet Electric Cooperative ng 50 taong pa.

Naniniwala si Benguet Electric Cooperative General Manager Melchor Licoben na maipapasa sa Senado ang prangkisa ng Beneco. Kanya itong sinabi sa Kapihan sa Beneco noong Biernes ng hapon.

Sinabi ni Licoben na ang bill patungkol sa prangkisa ng Beneco sa kamara ay magkatuwang na inihain nila Baguio Congressman Mark Go at Benguet Congressman Eric Go Yap at naipasa sa mababang kapuluan.

Anya ang susunod na hakbang ay ipapadala ito sa Senado upang pormal na maipasa ang prangkisa ng Beneco. Sinabi niya ito ay magiging ganap na batas pag ito ay napirmahan na ng Pangulo ng bansa. Ang ibig sabihin nito, maaring tumakbo ang Benguet Electric Cooperative sa susunod na 50 taon.

Ang prangkisa ng Beneco ay magpapaso na sa Marso taong 2028. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: BENECO)

Leave a Reply