Baguio: Benguet command utos sa mga illegal na loggers

0
2

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nag-utos si Acting Benguet Police Provincial Office Police Colonel Damian Olsim sa lahat ng kapulisan ng iba’t ibang munisipyo ng Benguet na lalong paigtingin pa ang paghabol sa ang mga illegal loggers at maging ang pumapasok sa lupa ng gobierno upang gawin itong sakahan.

Partikular tinukoy ni Police Colonel Olsim ang lugar sa Mount Pulag na kung saan ang mga pulis ay nagtulong tulong upang hulihin ang mga illegal loggers at maging ang mga pumapasok sa lupa ng pamahalaan sa Buguias, Kabayan at sa Bokod. 

Sa kasalukuyan ang mga pulis sa labing tatlong munisipyo sa Benguet at tumutulong sa pagmomonitor ng mga gawain o aktibidad upang ipatupad ang Presidential Degree No. 705. Ang batas na mas lalong kilala bilang Forestry Reform Code of the Philippines.

Anya tumutulong na ang mga tauhan ng PNP sa Benguet upang mapangalagaan ang kagubatan at maging ang lupa ng pamahalaan na pinapasok ng illegal loggers at maging ng kaingeros.

Ang utos ni Acting Benguet PNP provincial police Chief ay bunsod ng karaingan ng mga taga DENR na wala silang police power upang ipatupad ang kanilang mandato.

Kinakailangan nila ng tulong ng PNP sa probinsiya ng Benguet upang mapangalagaan ang kagubatan at maging lupa ng gobierno upang hindi mapasok ng illegal loggers at ng mga encroachers.

Ang pagbabantay ng kagubatan at lupa ng gobierno sa Benguet ay nagresulta ng pagkakakumpiska ng illegal lumber at pagkahuli ng mga illegal loggers sa kagubatan ng tatlong munisipyo sa naturang probinsiya. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Benguet PPO)

 

Leave a Reply