Bagong Obispo ng Diyosesis ng Baguio, itinalaga na

0
4
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Si Rev. Father Rafael T. Cruz, D.D ay itinalaga sa isang mataimtim kanonikal na seremonya sa Baguio Cathedral of Our Lady of Atonement Setyembre 17, 2024 ng umaga bilang Obispo ng Baguio.

Isang pagtanggap ng mamamayan ang naganap sa Porta Vaga Sky Zone matapos ang pagtatalaga at pagdiriwang ng eukaristiya.

Si Rev. Father Cruz ay ang ikatlong Obispo ng Diyosesis ng Baguio matapos ang panunungkulan ni Bishop Victor Bendico. Si Bishop Bendico ay muling ibinalik bilang Obispo ng Capiz sa Isla ng Panay sa Bisayas.

Ang Bagong talaga na Obispo ay isang Pari ng Arkidiyosesis ng Lingayen–Dagupan sa Pangasinan. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply