Bagong Chinese ambassador sa Pilipinas dumating na

Bagong Chinese ambassador sa Pilipinas dumating na

by Powered by DWIZ
10 views

Tiniyak ng bagong talagang Chinese ambassador sa Pilipinas ang mas maganda pang relayon ng dalawang bansa.

Sa kanyang naging talumpati pagdating ng Pilipinas, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, kanyang ikinararangal ang pagkakatalaga sa kanya sa puwesto.

Ayon kay Huang, buong puso siyang magtatrabaho para mas mapag-ibayo at maisulong ang pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ang pagkakatalaga kay Huang ay kasabay ng nalalapit na ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relation sa pagitan ng dalawang bansa.

Pinalitan ni Huang sa puwesto si dating Chinese Ambassador Zhao Jinhua.

0 comment

Related Posts