35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Bagong bersyon ng Security of Tenure Bill welcome kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Welcome kay Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong bersiyon ng Security of Tenure Bill na una na nitong ibinasura o na-veto.

Ito ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kung saan isiniwalat nito na pumayag ang pangulo na i-review ng DOLE ang panukalang batas.

Dagdag pa nito, malaking bagay na bukas ang pangulo sa bagong bersiyon ng Anti-Endo Bill.

Paliwanag pa ng kalihim, susuriin din ng ahenisya ang iba pang panukala na naglalayong magbigay ng security of tenure sa mga manggagawa.

Dahil dito, umapela naman si Bello sa mga manggagawa na kumalma muna dahil posible pang maisabatas ang naturang panukala.

Samantala, tiniyak rin naman ni Bello na gagawa ang mga opisyal ng DOLE ng bagong bersyon ng bill na maaring isumite sa LEDAC o Legislative Executive Development Council sa susunod na linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -