Home Headlines Availability ng mga naantalang plaka makikita na sa LTO website

Availability ng mga naantalang plaka makikita na sa LTO website

0

Maaari nang i-check ng mga motorista sa website ng Land Transportation Office o LTO ang availability ng kanilang plaka.

Ayon sa LTO, i-type lamang ang motor vehicle registration number na matatagpuan sa resibo ng motorista at dito na nila makikita kung saan at kailan puwedeng kunin ang kanilang plaka.

Matapos nito ay kailagan din umano ipresinta ang OC/CR ng may-ari ng sasakyan.

Para naman umano sa mga may-ari ng sasakyan na hindi sila mismo ang kukuha ng plaka, kinakailangan magprisenta ng authorization letter para sa kanilang representante.

—-

 

 

 

Availability ng mga naantalang plaka makikita na sa LTO website was last modified: July 19th, 2018 by Jennelyn Valencia

Exit mobile version