34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Autopsy report ng Kuwaiti government hinggil sa pagkasawi ni Villavende pineke — Tanjusay

- Advertisement -

Suportado ng Associated Labor Union-Trade Union of the Philippines (ALU-TUCP) ang pagpapatupad ng permanent deployment ban sa bansang Kuwait.

Ito ang binigyang diin ni ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay matapos na mapag-alamang peke ang autopsy report na isinumite ng Kuwaiti government hinggil sa pagkasawi ng Pinay OFW na si Jeanelyn Villavende.

Ayon kay Tanjusay, hindi nagtugma ang autopsy report na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa autopsy report ng Kuwaiti government.

Fake autopsy at halatang may white washed na ginagawa ang Kuwaiti government, yun ang lumalabas sa ginawang autopsy ng NBI. Yung report ay physical injuries lamang yung nakalagay pero batay dun sa imbestigasyon ng NBI, hindi lamang physical injuries talagang karumal-dumal na torture ang ginawa kay Jeanelyn. May crack yung kanyang bungo at may tinatawag pang sodomy na sinasabi, na-sodomized ang kanyang katawan,” ani Tanjusay.

Sinabi ni Tanjusay na posible kasing nais ng Kuwaiti government na magsampa na lamang ng mas magaan na kaso sa amo o employer ni Villavende kaya dinoktor nito ang naturang autopsy report.

Mabuti at na-examine ng NBI yung katawan ni Jeanelyn kasi baka ibang kaso, baka mas magaan na kaso ang isasampa ng Kuwait government doon sa mga suspect kasi pineke, pinagaan yung autopsy na ginawa nila kaya mabuti nagkaroon ng re-autopsy yung NBI dito. Base sa panawagan ng TUCP dapat total ban na kasi sa loob ng apat na taon mahigit 30 mga OFW ang namatay sa bansang yan,” ani Tanjusay. — sa panayam ng Todong Nationwide Talakayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -