Radio Philippines Network
Headlines National News

ASF outbreak pina-iimbestigahan sa Kamara

Pina-iimbestigahan sa Kamara ang outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa ilang parte ng bansa.

Ito ay kaugnay ng inihaing House resolution number 383 ng Bayan Muna partylist, kung saan nais nitong magsagawa ng malalimang pagsisiyasat ukol sa pagkalat ng naturang sakit sa mga alagang baboy at kung ano ang posibleng epekto nito sa swine industry.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, nais din nilang talakayin sa pagdinig kung nagkaroon ba ng pagkukulang ang Deptartment of Agriculture (DA) kung kaya nakapasok ang ASF sa Pilipinas.

Maliban dito, i-imbestigahan din ang patuloy na pag-import ng karneng baboy at iba pang produktong ginagamit bilang animal feeds.

Dagdag pa ni Zarate, nais din nilang masuri ang pagpapatupad ng DA ng sanitation laws sa mga babuyan ukol sa backyard farming.

Related posts

Unang report ni Duterte sa pagpapatupad ng Bayanihan to Heal as One act umabot sa 18 pahina

Powered by DWIZ

Pagkamatay ng suspek sa pagpaslang sa mag-asawang senior citizen iimbestigahan

Powered by DWIZ

AFP ikinatuwa ang nakatakdang pagbabalik ng Balangiga Bells sa PH

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More