29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Aquino kumbinsidong may mga PDEA agents na sangkot sa illegal drugs ‘recycling’

- Advertisement -

Kumbinsido si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na may mga PDEA agents ding sangkot sa ‘recycling’ ng illegal drugs.

Ibinunyag ni Aquino ang greyhound operations na isinagawa nya sa PDEA kung saan sinuyod ng limang aso ang mga cabinet, drawers sa mga opisina ng PDEA agents upang alamin kung may nagrerecycle ng illegal drugs.

Sinabi ni Aquino na bagamat wala silang natagpuang droga, may mga drawers at cabinet na inupuan ang mga aso.

Posible anyang naamoy ng aso ang residues ng illegal drugs na itinago doon.

Una nang ibinunyag ni Aquino na nagpapatuloy ang recycling ng illegal drug at posible anyang kagagawan ito ng mga pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -