32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Apektado sa malawakang pagbaha sa Cagayan pumalo na sa 15,000 pamilya

- Advertisement -

Pumalo na sa mahigit 15,000 pamilya ang apektado ng nararanasang malawakang pag-baha sa Cagayan.

Batay sa datos na inilabas ng Cagayan Provincial Information Office, umabot na sa  66,000 katao ang apektado ng malawakang pagbaha mula sa higit 100 barangay sa nasabing lalawigan.

Una rito, sinabi naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba na kailangan nilang isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan dahil sa tindi ng pinsalang iniwan ng bagyong Tisoy sa kanilang lugar.

Aniya, nanatili pa ring lubog sa baha ang malaking bahagi ng Cagayan, at kailangang-kailangan na ang agad na pagkilos ng mga otoridad upang maipa-abot ang tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Kaugnay nito, nasa 9,300 naman ang kabuuang bilang ng mga nanatili pa rin sa mga evacuation centers.

Gayunman, nilinaw naman ni Mamba na walang nasaktan o nasawi bunsod ng nagdaang kalamidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -