32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Anti-illegal drug ops ng PDEA tuloy pa rin sa gitna ng COVID-19 pandemic —PDEA

- Advertisement -

Magpapatupad ng mga bagong protocol ang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operations sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay bagong PDEA director general Wilkins Villanueva, nais nilang matiyak ang kaligtsan ng kanilang mga tauhan mula sa nasabing virus.

Sinabi ni Villanueva na unang ikukunsider nila ang buhay ng kanilang mga ahente bagamat sa target identification na halimbaway sampu kada lungsod, titingnan muna nila kung ang target na ito ay nakalagay na sa mya mga COVID identified personalities.

Ipa-prioritize aniya nila ang mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Inihayag ni villanueva na magsasanay pa ang kanilang mga ahente sa kanilang plano sa pagpapatupad ng mga bagong protocol sa anti-illegal drug operations tulad nang hindi pag face to face sa target.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -