Radio Philippines Network
Headlines National News

Antas ng tubig sa Angat Dam at La Mesa Dam bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa dalawang dam na pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng National Capital Region dahil sa bagyong ‘Tisoy’.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, ang naturang pagtaas ng tubig ay hindi parin sapat para maabot ang normal na lebel ng tubig na 212 metro.

Nasa 193.47 metro na ang lebel ng tubig sa Angat Dam kung saan tumaas ito ng 4.5 metro mula noong Martes.

Umakyat rin sa 77.55 ang water level sa La Mesa Dam.

Samantala, inaasahan namang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong ‘Tisoy’ sa pagitan ng Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes.

Related posts

Bilang ng nasawi dahil sa dengue umabot na sa 140

Powered by DWIZ

Philhealth inatasang ilabas ang listahan ng mga umano’y tiwaling health care providers

Powered by DWIZ

DND kinumpirma walang US-PH joint exercises kasabay ng pagbisita ng Chinese lider sa bansa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More