31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Angel Locsin kabilang sa 30 heroes of philantrophy ng Forbes Asia

- Advertisement -

Napabilang ang aktres na si Angel Locsin sa listahan ng 30 heroes of philantrophy ng Forbes Asia.

Ayon sa Forbes, binigyang pagkilala nila ang pagsisikap ni Angel na makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng iba’t-ibang kalamidad sa bansa.

Partikular aniya rito ang ibinigay na P1-M donasyon ni Angel at truck ng mga relief goods sa mga naging biktima ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.

Ipinunto rin ng Forbes ang pagsama ni Angel sa Rural Missionaries of the Philippines sa pamamahagi ng donasyon at tulong sa mga naging biktima ng Marawi siege noong 2017.

Dagdag ng Forbes, nagsisilbing inspirasyon si Angel ng kanyang mga tagahanga na magbigay din ng tulong sa kapwa.

Kasama ni Angel sa listahan ng Pilipino businessman na si Hans Sy, Indian Businessman Tycoon Azim, Australian Billionaire Judith Neilson at Chinese Tycoon Jack Ma.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -