Radio Philippines Network
Image default
National News

Anduyan hindi na ikinabigla ang pagkasama ni Espenido sa narco list

Hindi na ikinabigla ni Police Regional Office 10 Director B/Gen. Rolando Anduyan ang pagkakasama ni Lt. Col. Jovie Espenido sa drug watch list ng pamahalaan.

Ayon kay Anduyan, hindi na bago para sa kanila ang pagkakasangkot ni Espenido sa illegal na droga.

Aniya, pawang mga media at publiko lamang ang hindi nakakaalam na matagal nang nasa listahan ng narco-police ang itinuturing na poster boy ni Pangulong Duterte sa kanyang kampanya kontra illegal na droga.

Dagdag pa ni Anduyan, ang isyung pagkakasangkot ni Espenido sa illegal na droga ay siyang kanyang dahilan kung kaya’t nagsusumikap ito ng husto sa ipinapatrabaho sa kanya ni Pangulong Duterte.

Samantala, nananatiling tahimik naman ang kontrobersyal na si Espenido kaugnay sa naturang usapin.

Related posts

PAL mabibigay ng special flights para sa mga stranded patungo, mula China dahil sa 2019-nCoV ARD

Powered by DWIZ

CANCELLED FLIGHTS | DEC. 4, 2019, WEDNESDAY

Powered by DWIZ

3 hinihinalang miyembro ng Robberty Group patay sa engkwentro sa Q.C.

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More