35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Anak ng PBA legend na si Samboy Lim nakasungkit ng gintong medalya sa Turkey

- Advertisement -

Nakasungkit ng gintong medalya ang anak ng PBA legend na si Avelino “Samboy” Lim sa 2019 Amator Spor Haftasi Karate Championship sa Turkey.

Ang anak ni Lim na si Jamie Berberabe Lim ay nanguna sa karate sport event sa kategoryang under 68 kilograms kumite.

Ipinagmalaki naman ng Karate Pilipinas Sports Federation ang naging panalo ng atleta.

Si Lim ay bahagi ng National Team na nagsasagawa ng training sa Turkey bilang paghahanda sa pagsabak sa 2019 Southeast Asian Games.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -