Anabelle Rama tinukoy ang ayaw sa anak na si Ruffa Gutierrez

Anabelle Rama tinukoy ang ayaw sa anak na si Ruffa Gutierrez

by Powered by DWIZ
39 views

Ibinulgar ni Anabelle Rama ang pinaka ayaw niya sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Sa guesting ni Anabelle sa show ni Vice Ganda, pinapili siya nito kung ibibigay ang isang alahas niya sa audience o sasabihin kung ano ang pinaka ayaw niya sa anak na si Ruffa.

Prangkahan naman itong sinagot ni Anabelle kung saan sinabi niyang madalas niyang sabihan si Ruffa na maghanap ng boyfriend na bubuhay sa kanya at sa kanyang mga anak.

Sa halip na ang kanyang mga bilin ang sundan ay ito pa ang madalas na sinusuway ng kanyang anak.

Dagdag pa ni Anabelle, kung anong talino aniya ng kanyang anak ay ito namang bobo nito pagdating sa pag-ibig.

0 comment

Related Posts