30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Alok na reward money laban sa apat na dating mambabatas ng Makabayan Bloc pinag-aaralang doblehin

- Advertisement -

Posibleng dumoble pa ang isang milyong pisong alok na pabuya para sa pagkaka-aresto ng apat na dating Makabayan Bloc congressmen na ipinagharap sa kasong pagpatay.

Ito ang naging tugon ni Citizens Crime Watch Member Atty. Ferdinand Topacio matapos namang tawagin ng ilang militanteng lider na cheap political stunt ang alok nilang reward money.

Ayon kay Topacio, susubukan nilang doblehin pa at gawing dalawang milyong piso ang nakapatong na pabuya laban sa apat na dating mambabatas dahil tinawag aniya ni Bayan Muna Dec. Gen. Renato Reyes na cheap ang isang milyong piso.

Kanila aniyang hihintayin kung may magdodonate pa ng karagdagang pabuya.

Una nang sinabi ni Topacio na ang naunang isang milyong pisong patong sa ulo nina Anti Poverty Chairman Liza Maza, Dating Agrarian Reform Rafael Mariano at Dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casinio ay donasyon ng ilang concerned citizens.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -