30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Albayalde lalo pang nagisa sa Senate hearing kaugnay sa umano’y ‘ninja cops’

- Advertisement -

Lalo pang nagisa sa pagdinig ng Senado si Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde.

Ito ay matapos aminin ni dating Central Luzon Regional Police chief Rudy Lacadin na tinawagan din siya ni Albayalde upang tanungin ang estado ng kaso ng kaniyang mga tauhan.

Matatandaang nasangkot ang 13 tauhan ni Albayalde sa ma-anomalyang drug operations sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Kaugnay nito, mariin naman itinanggi ni Albayalde ang akusasyon ni Lacadin at sinabi nito na ‘tila pinagkaka-isahan lamang siya at idinidiin sa naturang isyu.

Una rito, inamin din ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na tinawagan din siya ni Albayalde noon upang kamustahin sa kaso ng kaniyang mga tauhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -