30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Agarang pagpapauwi sa mga Filipino seafarers sa gitna ng ECQ sa Luzon iimbestigahan ng OWWA

- Advertisement -

Iniimbestigahan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ulat na ilang mga manning agency na agad pina-aalis sa mga facilities ang mga balik bansang Filipino seafarers na katatapos pa lang sumailalim sa 14 day self-quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, kanyang ikinagulat ang aniya’y walang awang aksyon ng mga nabanggit na manning agency dahil karamihan sa mga Filipino seafarers na ito ay mula sa Visayas at Mindanao kung saan mayroon ding lockdown.

Aniya, walang matutuluyan ang mga nabanggit na marino lalu na’t may umiiral pang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sinabi ni Cacdac, inaalam niya na ang pangalan ng mga nabanggit na manning agencies na nagpapaalis sa mga Filipino seafarers at nakikipag-ugnayan sa Securities and Exchange Commission (SEC) hinggil sa mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -