35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Aerial survey inspection isinagawa sa mga lugar na tinamaan ng 6.6 magnitude na lindol

- Advertisement -

Nagsagawa ng aerial survey inspection ang mga otoridad sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 6.6 na lindol kahapon.

Sakay ng AW 109 attack helicopter ng Philippine Airforce ang mga miyembro ng tactical operations Eastern Mindanao Wing at 39th infantry battalion na nag ikot sa lalawigan ng Cotabato at Davao Del Sur.

Unang pinuntahan ng grupo ang epicenter ng lindol sa tulunan Cotabato kung saan makikita ang malaking pinsala sa lugar.

Mula naman sa himpapawid ay makikita ang mga malalaking landslide sa ilang barangay sa Davao Del Sur.

Mayroon ding ilang kalsada ang hindi madaanan matapos matabunan ng landslide.

Matapos ang inspeksyon ay ipinahayag ng militar na makikipipagtulungan sila sa isasagawang search and rescue operations at clearing operations sa mga apektadong lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -