Radio Philippines Network
Image default
National News

ABS-CBN tuloy pa rin ang operasyon sa 2022 — Cayetano

Tuloy pa rin ang operasyon ng ABS-CBN hanggang sa 2022.

Ito ang kinumpirma ni House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng mga nakabinbing franchise renewal bill para sa ABS-CBN.

Sinabi ni Cayetano, hindi dapat madaliin ang Kamara sa pagtalakay sa mga naturang panukala dahil hindi naman magsasara ang ABS-CBN kahit na magpaso na ang kanilang prangkisa sa Marso.

Aniya, posibleng sa Mayo pa dinggin ng Kamara ang mga nakabinbing franchise bill para sa naturang network o kung kailan man humupa ang tensiyon sa naturang usapin.

Mag-hearing tayo, panay init ng ulo, ‘pag na-deny edi sarado diba? Kapag na-approve naman nandyan yung mga magpo-protesta diba? So, sometimes time is on our side, sometimes time is healing, if the committee has come out something official I think there is a consensus naman that while they’re discussing the issues, there’s no reason na isara,” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na walang dahilan para isara ang ABS-CBN dahil tuloy-tuloy lamang ang operasyon nito hangga’t may nakabinbing franchise renewal bill sa Kongreso.

Don’t get me wrong, napaka importante ng franchise ng ABS-CBN hindi lang sa 11,000 empleyado, importante ito sa buong bansa, sa demokrasya natin pero hindi ganun ka-urgent bakit? Kasi hanggang March 2022 pwedeng mag-operate,” ani Cayetano.

Related posts

Mga taga-Metro Manila ‘wag munang bumili ng N95 masks, gumamit muna ng regular mask —DOH

Powered by DWIZ

Pinaigting na hakbang laban sa COVID-19 isasagawa ng DOH

Powered by DWIZ

Marcos gustong palitan ang laman ng mga history books tungkol sa kanyang pamilya

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More