9 sugatan noong mawalan ng preno ang isang bus at bumangga sa isang punong kahoy sa kahabaan ng Naguilian Road, Baguio City

0
11

Baguio City – Siyam na pasahero kasama ang driver ng isang bus ang nasaktan matapos nawalan ito ng preno at bumangga sa isang punong kahoy sa oras ng alas onse diyes ng umaga noong nakaraang Sabado sa kahabaan ng Naguilan road o Quirino Highway particular na sa Purok 12 sa Barangay Irisan, Lungsod ng Baguio.

Sinabi ng hepe ng Baguio City Police Office na si Police Col. Francisco Bulwayan Jr. na ang nasabing Isuzu bus ay tumatakbo patungo sa direksyon ng Sablan at noong makarating sa pababang parte ng daan ay nawalan ito ng preno at nawalan ng kontrol diumano ang driver sa pagmamaneho at tumama ito sa isang puno ng Pine Tree sa kanang bahagi ng kalsada at doon na ito huminto.

Dahil sa naturang pangyayari, ang bus ay nagtamo ng pinsala sa harapang bahagi ito. Samantala ang driber at pasahero nito ay nagtamo ng sugat at pasa sa kanilang mga katawan.

Walo sa mga pasahero ay dinala sa pinakamalapit na ospital upang magamot. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio City Police Office)

Leave a Reply