9 patay sa pagbagsak ng eroplano sa Amerika

9 patay sa pagbagsak ng eroplano sa Amerika

by Powered by DWIZ
15 views

Patay ang 9 katao habang 3 ang sugatan sa pagbagsak ng isang eroplano sa South Dakota sa Estados Unidos.

Ayon sa mga otoridad, nakataas ang winter storm warning nang bumagsak ang naturang eroplano.

Batay naman sa inilabas na pahayag ng Federal Aviation Administration (FAA), bumagsak ang single engine turbopop plane na pilatus P-C12 ilang minuto bago ito mag take off.

Lumabas din sa report na lulan nito ang 12 katao.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naganap na insidente.

0 comment

Related Posts