Radio Philippines Network
Headlines National News

7,500 OFW’s ang nakauwi na sa kanilang mga probinsya — OWWA

Tinatayang nasa 7,500 na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang napauwi ng pamahalaan sa kani-kanilang mga bayan at probinsya.

Ito ay kasunod na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang linggong ultimatum sa Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Health (DOH) upang pauuwiin ang mga nakatenggang OFW’s sa mga quarantine facilities sa bansa.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, nasa 20,000 pa ang mga OFW’s na hanggang sa ngayon ay naghihintay parin ng resulta ng kanilang COVID-19 tests sa mga quarantine facilities sa Metro Manila.

Aniya, nasa 27,000 kasi ang kabuuang bilang ng mga OFW’s na nailikas sa ibang bansa at inaasahan pa nilang madaragdagan ito ng 43,000 sa susunod na buwan.

Samantala, magugunitang inilikas at nagsiuwian ang mga OFW’s dahil sa kawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil sa epekto ng COVID-19.

Related posts

DND nakiramay sa pamilya ng nasawing Japanese soldier

Powered by DWIZ

Mga myembro ng GSIS na gusto mag-loan maari nang magbigay ng aplikasyon online

Powered by DWIZ

Phivolcs umapelang magsagawa ng earthquake mission sa mga lugar na sinalanta ng lindol

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More