35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

73k OFWs, dependents ang naka-enroll na sa skills training programs ng TESDA

- Advertisement -

Aabot sa 73,000 Overseas Filipino Workers (OFW)’s at dependents ng mga ito ang naka-enroll na sa skills training programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay TESDA Chief Isidro Lapeña, inilunsad ang naturang programa upang makatulong sa mga ofw na naapektuhan ang hanapbuhay sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  pandemic na lumawak pa ang kanilang mga kakayahan at makahanap ng iba pang opurtunidad.

Naging maalwan din para sa mga OFW ang online program ng tesda lalo na’t ilang bahagi ng bansa ang sumailalim sa lockdown dahil sa banta ng pagkalat ng COVID-19.

Kasabay nito hinikayat ni Lapeña ang mga kakauwi pa lamang na OFW sa bansa na nais kumuha ng kurso sa TESDA ay maaaring mag register sa “TESDA abot lahat ang OFWs”.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -