28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

7 barangay sa Kabacan, Cotabato isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha

- Advertisement -

Isinailalim sa state of calamity ang pitong barangay sa Kabacan, Cotabato dahil sa matinding pagbaha.

Ito ay matapos na makaranas ng malakas na pag – ulan ang lugar bunsod ng thunderstorm.

Bunsod nito, inilikas ang mahigit 2,000 pamilya na pawang mga nakatira sa low- lying areas.

Wala namang napaulat na nasaktan sa nararanasang sitwasyon ngayon sa lugar.

Una na ring pinalikas ang nasa 1,000 pamilya sa ibang lugar sa naturang lalawigan bunsod pa rin ng pagbaha.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -