27.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

600 pamilya nasunugan sa Tondo

- Advertisement -

Nawalan ng tahanan ang aabot sa 600 pamilya matapos na sumiklab ang sunog sa Block 15-B, Baseco Compound sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw, ika-5 ng Pebrero.

Ayon kay Manila Bureau of Fire Protection (BFP) Supt. Roberto Samillano Jr., nahirapan silang maapula agad ang sunog dahil hindi makapasok ang mga fire truck sa masikip na kalsada at mababang kawad ng mga kuryente.

Aniya, putol-putol rin ang suplay ng tubig dahil natatakpan ang mga fire hydrant sa naturang lugar.

Gayunman, idineklara naman itong fire out dakong alas-2:48 ng madaling araw.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa naging sanhi ng sunog na dahilan ng pinsala ng aabot sa P200-milyong halaga ng mga ari-arian.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -