29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

57-Anyos Na Padre De Pamilya Natagpuang Patay Sa Ragay, Camarines Sur

- Advertisement -

Iriga City – Hindi na nakasama sa pagsalubong ng Bagong Taon ang 57-anyos na padre de pamilya sa Ragay, Camarines Sur matapos na matagpuan itong patay sa Brgy. Liboro.

Sa ulat ng pulisya, bandang  alas-10:30 noong Disyembre 31, 2020 nang pumunta sa Bolaños Eatery ang biktimang si EDUARDO VERA y OBINA, upang putulin ang mga damo malapit sa kainan subalit hindi ito nakabalik sa tahanan nila hanggang hating gabi.

Enero 1, 2020 nang hanapin ito ng mga kaanak, motorsiklong sinakyan na lamang nito ang nakita sa tapat ng Bolaños Eatery.

Ayon sa mga personahe ng karinderya, tumungo nga sa lupa nila 50–metro ang layo mula sa National Highway para sa nabanggit na trabaho. Nang puntahan doon na natagpuan sa damuhan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Ayon sa kaanak, may tama ang ulo ng biktima.

Dinala sa Rural Health Unit ang bangkay para sa autopsy/post mortem examination.  Ayon sa sumuring doktor, atake sa puso ang maaaring ikinamatay ni Vera.

Naniniwala ang pamilya na may foul play sa pangyayari.

(Source: Bicol Standard)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -