Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

52 Anyos Na Magsasaka Na Dalawang Araw Nang Nawawala Matapos Anurin Ng Malakas Na Ragasa Ng Tubig Sa Ilog, Patay Na Nang Matagpuan Sa Bayan Ng Nabua, Camarines Sur

Iriga City – Narekober na ng mga otoridad ang bangkay ng 54 anyos na magsasaka na nalunod matapos anurin ng malakas na ragasa ng tubig sa ilog sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Amaro Enseñado, binata, residente ng Zone 4 Barangay Sta. Elena, Baras nasabing bayan.

Ayon kay PSSgt. Marlon Gallarte, PCR ng Nabua Municipal Police Station, dakong alas-6:57 ng hapon noong December 19, 2020 nang napaulat na nawawala ang biktima matapos umanong tangayin ng rumaragasang ilog sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan.

Dito na ikinasa ng mga tauhan ng MDRRMO Nabua, BFP Nabua, Iriga City MDRRMO, Search and Rescue Unit ng EDMERO – PGO Camarines Sur, at mga volunteers ng Barangay ang Search and Retrieval operations pero hindi agad ito nakita.

Sa ikalawang araw na paghahanap, natagpuan ang labi nito na wala ng buhay sa Zone 5 Brgy. Sta. Lucia, Nabua dakong alas-4:45 ng hapon kahapon.

Ayon kay Gallarte, nakagawian na umano ng biktima na tumawid sa ilog pagkatapos nitong magtrabaho sa kaniyang sinasakang lupa pauwi ng kanilang bahay.

(Source: Bicol News)

Related posts

Gideklara Sa DOH-CHD Nga Aduna Nay Local Transmission Sa COVID-19 Sa Munisipyo Sa Claver

RPN

Minglanilla Police Station Temporaryong Gi-Serhan Human Nag Positibo Ang Ilang Opisyal

RPN

Army Credits Teams’ Ties With Locals In Locating Rebel Lair

RPN