Radio Philippines Network
DXKT Davao News Provincial News

50 Tablet PC, Ipinamahagi Sa Mga Guro Ng MSAT

Sa nakaraang paglulunsad ng Oplan Balik Eskwela at Brigada Eskwela, kapit-bisig ang mga guro ng Mati School of Arts and Trades (MSAT) ng Sangay ng Lungsod ng Mati upang maitaguyod ang dekalidad na serbisyo, pantay-pantay at tuloy-tuloy na oportunidad para sa pagkatuto ng lahat.

Upang maipagpatuloy ang kinakailangang gawain sa paaralan sa gitna ng pandemya mapabahay man o on-site ay napagdesisyonan ni Dr. Alvielou Villanueva, ang punongguro, na ipamahagi ang 50 Tablet PC sa mga guro ng JHS at SHS na siyang gagamitin sa pag-enrol sa mga mag-aaral mula sa nakuhang datos sa remote, physical at online enrollment.

Saad pa ni Janneca Quebral, isang guro, malaking tulong ang Tablet PC dahil hindi lamang napapadali ang trabaho sa enrolment tulad ng pag-encode sa mga impormasyon ng bata kundi nagagamit rin ito sa mga webinar na mayroon ang DepEd lalo na ang Rehiyon Onse.

Ayon kay Villanueva, ang mga Tablet PC na ito ay tugon rin para sa darating na pasukan ng mga guro gamit ang iba-ibang learning delivery modalities.

Sa tulong naman ni Jose Barba Jr., isang guro at tagapag-ugnay ng Oplan Balik Eskwela at Brigada Eskwela, sa kanyang ginawang MSAT Online Enrollment gamit ang google form prepared with link data analytics makikita ang live (real-time) enrollment update.

Makikita sa link ang dami ng enrollees per grade level lakip ang kanilang kasarian at ang learning modalities na kanilang nais. Dahil dito napapadali ng mga guro gamit ang tablet sa pagtukoy at paglikom ng datos sa isinagawa nilang enrolment.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 875 students enrolled ang MSAT – isang malaking bilang kung ikukumpara ang total students enrolled noong nakaraang taong panuruan na may 1,200 na mag-aaral.

Para naman sa pagpapalakas ng Brigada Eskwela, naging instrumento rin ang tablet upang maipaalam sa lahat ng mga stakeholders o mga indibiduwal na nagnanais magbigay ng mga kinakailangang bagay sa panahon ng pandemya para sa mga guro at mag-aaral. Modem O. Demua

 

Related posts

People Power Defeats KMU in Compostela, Members Surrender to LGU

RPN News

Mayor Sa Lanao Sur Gi-Ambush Sa Iponan, CDO

RPN

Davao Occidental Distributes Food Packs, Supports COVID-19 Frontliners

RPN

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More