Home Headlines 5 Korean nationals timbog sa illegal online gambling

5 Korean nationals timbog sa illegal online gambling

0

Arestado ang limang Koreano na nagpapatakbo ng illegal online gambling ring sa Lapu-Lapu City.

Ayon kay Special Agent Arnel Pura ng NBI Region 7, nabigo ang limang Koreano na magprisinta ng lisensya mula sa PAGCOR.

Naaresto ang mga suspects sa magkahiwalay na bahay sa barangay Pajo at barangay Marigondon sa Lapu-Lapu City kung saan halos mga Koreano rin ang kanilang mga parokyano.

Kabilang sa mga nakumpiskang gamit sa mga suspects ang computer monitors, keyboards, gadgets at printers.

May nakuha ring dalawang airsoft guns ang NBI sa kuwarto ng bahay kung saan isinasagawa ang online gambling.

—-

 

 

5 Korean nationals timbog sa illegal online gambling was last modified: July 19th, 2018 by Len Aguirre

Exit mobile version