30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

4,000 residente ng Marikina, inilikas bunsod ng walang tigil na pag-ulan

- Advertisement -

Maihahalintulad sa pananalasa ng Bagyong Ondoy nuong 2009 ang naranasang malawakang pagbaha sa Marikina City bunsod ng maghapon hanggang sa magdamag na pag-ulan.

Ganito ang paglalarawan ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro matapos umabot ang lebel ng tubig sa Marikina River sa dalawampung metro na siyang dahilan para i-akyat ang ikatlong alarma at sapilitang ilikas ang mga residenteng nasa tabi ng ilog.

Sa panayam ng DWIZ kay Teodoro, tinatayang nasa mahigit apat na libong pamilya ang kasalukuyang nananatili ngayon sa mga evacuation center lalo na iyong mga residente sa mga barangay barangka industrial valley complex at santo niño.

“Napakarami pa sa ngayon, sa huling tala namin nasa dalawampung libo maliban doon sa mga hindi pumunta ng evacuation center. maliban sa nagsilikas sa mga bahay ng kaibigan nila, kamag-anak, ang iba naman nanatili na lang sa kanilang bahay dahil hindi na nga nakalabas dahil sa tubig baha. “

Kasalukuyan din aniyang nag-iikot ang ipinakalat nilang mga rescue boat partikular na sa paligid ng Barangay Tumana at iba pang barangay na malapit sa ilog upang ilikas.

Kasunod nito, umapela rin ang alkalde sa publiko para sa anumang donasyon tulad ng pagkain, tubig, gamot at kumot para sa mga apektado nilang residente.

 “Nanawagan kami sa lahat ng kababayan natin na may magandang kalooban kung maari matulungan natin ang mga evacuees natin.”

(INTERVIEW FROM: TODONG NATIONWIDE TALAKAYAN)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -